“Kayo ang boss ko…”
Isa lamang ito sa mga linyang binitiwan ng ating bagong pangulo, Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanyang inagurasyon noong nakaraang Hunyo sa kasalukuyang taon.
Sa pagpasok ng administrasyon, umaasa ang karamihan na ito na ang bagong simula ng pagbabago sa bulok na sistemang kinagisnan natin.
Halintulad sa mga kaganapan ngayon sa ating pamantasan, tuwing panahon ng eleksyon; kampanya doon, pangako dito. Bawat kandidato ay sumisigaw ng pagbabago. Sa loob ng napakabang panahon ay iyon at iyon rin ang inihahain nila, kaya’t hindi nkakapagtakang maraming binging bingi na.
Habang buhay na lamang bang nakatanim sa kasaysayan ang impresyon sa ’ting Pilipino ukol sa tunay na kulay ng ating pulitika? Bakit hindi hindi natin umpisahan sa ating uniersidad na baguhin ang nakasanayang impresyon nang sa gano’n ay mapatunayan ng sambayanan na tapat kayo sa “boss” n’yo.
Sa mga namumuno at mamumuno pa lang, tumayo kayo sa sitwasyon ng isang simpleng mag aaral. Alamin ang kanilang tunay na pangangailangan at gawan ito ng tunay na aksyon. Itigil na ang pataasan ng ihi at tuluyan nang putulin ang pangil ng mga buwaya.
Lahat tayo ay may magagawa. Marami ang binigyan ng boses ng may kapal upang maipahayag ang kanilang damdamin, opinion, kuro-kuro saloobin at maging ang katiwalian sa bayan. Ngunit hindi tayo binigyan ng paa para tumakbo at magtago sa mga hilahil at sigalot ng mamamayan. Umaasa kaming mga “boss” n’yo na magiging mabuti at produktibo kayong mga empleyado
SULONG JUAN DELA CRUZ! AHON PILIPINAS!
No comments:
Post a Comment