Matapos ang eleksyon sa ating unibersidad, isa sa mga katanungan nating mga estudyante ay kung may magbabago pa nga ba, gayong kada taon ay sigaw ng pagbabago ang inilalatag sa atin ng mga kandidato.
Sa kabila nito marami pa rin ang umaasa na matutupad ang ipinangako sa kanila ng mga nagnanais mahalal sa posisyon. Dahil rito minabuti kong hingin ang panig ng nakakararami sa aking kamag aral sa ating kolehiyo.
Gamit ang katanungang “sa palagay mo may pagbabago pa bang magaganap sa pag upo ng bagong administrasyon?”at sa tulong ng teknoloohiya, ang pag tetext nakuha ko ang kanilang opinion.
“ Sa tingin ko wala na, dahil yung mga platapormang inilalatag nila sa amin na mahahalaga ay hindi naman nagagawa. Kung gusto talaga nilang may mabago, gawin na lang nila hindi yung hihintayin pa nilang manalo sil sa eeleksyon para umaksyon”
-Shie, IV-B
“ For me, yes! May mga mababago dahil bago ang mga mamumuno, ang advise ko lang, magsilbi sila ng may katapatan, dedikasyon at pagmamahal hindi dahil sa achievement na kanilang makukuha kundi sa kasayahang matatanggap nila sa pag seserbisyo.”
-Glayza Alao, II-C2
“Nagkakaroon ng eleksyon para sa pag babago, magkakaroon kung tapat at mapagkakatiwalaan, hindi yung hanggang sa kampanya lang.”
-Louise Pagalunan, I-E1
“maybe kung deserving sa posisyon yung mga ma eelect, kaya nga students must take time to think who to vote. I hope those who will be elected will do their best to make a change for our university.”
-Joy Medrano, IV-A
“Oo, naniniwala ako, yun ay kung gagampanan nila at paninindigan ng mga mahahalal ang kanilang mga ipinangako.
-Aphrilhyn Rico, I-D
“Ayokong magsalita ng tapos pero sana talaga may mabago, kasi we need a leader na hindi lang sila gagawa sa ikagaganda ng school kundi magagaing isang halimbawa sa lahat. Sana ay hindi lang pakitang tao yung ginagawa nila para ioto sila”
-Annalicca Lompero, I-C2
“yes naman! May pagbabagong magaganap kung pipiliin naten ang mapagkakatiwalan, may sapat na kakayahan, talino at may experience na sa pamumuno, higit sa lahat may takot sa Diyos.”
-anonymous
“Oo naman, naniniwala ako sa sinansabi ng mga kandidato, kasi mga estudyante sila at dapat mulat sila sa mga nangyayare sa ating paaralan at dapat baguhin nila yun.
-Mary jane Puaso, I-C2
“Oo, dahil ang bawat isang kandidato ay may binitiwang salita na pinanghahawakan ng mga estudyante at naniniwala ako sa kanila dahil gusto nila ng pagbabago.”
-Joemar L. Balakit, I-E1
“Meron, kasi nga Di ba bago na, so ibig sabihin nun magagawa nila ng maayos ang kanilang plataporma,pero kailangan din makiisa ang mga estudyante.”
-Mariel S. Galarita, II-A
Lahat tayo ay may sai-sariling opinion at pinaniniwalaan, ngunit ang bawat opinion, ideya o ang ating hinaing sa mga namumuno ay may kaakibat na responsibilidad.
Hanggang saan nga ba ang ating responsibilidad sa ating unibersidad, sa paglalabas lamang ba ng ating mga saloobin?
-Maleen & Apple
No comments:
Post a Comment