Search articles

Trivia



The UNUSUAL:
     Irene G. Nicolas






                            Leafy Sea Dragon, one of the 25 weirdest Animals-www.divaboo.com

                 Named after the dragons of Chinese mythology, Leafy seadragons (Phycodurus eques) resemble a piece of drifting seaweed as they float in the seaweed-filled water. The Leafy seadragon, with green, orange and gold hues along its body, is covered with leaf-like appendages, making it remarkably camouflaged. Only the fluttering of tiny fins or the moving of an independently swiveling eye, reveals its presence.
Like the seahorse, the male seadragon carries as many as 150-200 eggs. After being deposited by the female, the eggs are carried in the honeycomb-shaped area (known as the brood patch) under the male's tail for approximately eight weeks. Seadragons have no teeth or stomach and feed exclusively on mysidopsis shrimp.



LITERARY/FEATURE; INCUBUS




 Incubus
Joy Reginaldo

Minsan ako’y nangarap
kaparehang walang katapat
Inakalang ito’y nararapat
kahit baseha’y ‘di sapat

Isang gabi ‘ngako’y natulog
pakiwari ko’y nalulunod
Sa pangpang ako’y napadpad
Munting pangarap, duon natupad.

Isang lalaki, aking nakita,
Nasilayan ,ngunit ‘di namukhaan.
Inakalang s’ya na nga
hiniling ko’ng himala.

Lubos kasiyahang nadama,
‘di inasahang magbabago pa.
May trahedya pa lang nagbabadya,
Sa piling ko siya’y mawawala.

Huli na nang aking mapagtanto,
Na lahat pala ay ‘di totoo
Kaligayahang nadama ko
Sa panaginip lang nabuo.

Quotes



Love…
                 The greatest irony of love is letting go when you need to hold on and holding on when you need to let go..
                 We lose someone we love if we are destined to find someone else who can love us even more we can love ourselves.

                                          -Maleen Tose

 Little Verse for Very Little People
Leandro Alagano


I wish to be famous someday,
I rather like to stay and wait until…
Someone will come and see the beauty within me…
                                                  
                                                   - The Stone


The season is changing, while a thorn building up,
The wind is chasing, with the bliss of hatred upon us,
And a blink of water, scatter in this empty land
That will be grown and disturbed the unknown.
And alertness will gave changes to unfold..
      
      - Aging
  
A breeze of laughter and the wind of crowdedness
A smell of enjoyment with the power of sadness,
And a place where all of the pain was hidden
By there wicked, tricky twinkle smile….
            -The Circus
  -Leandro P. Alagano-

COLUMN: FLIPSIDE



 
Ginalyn Baniqued

                  Laziness nothing more than the habit of resting before you get tired.
                                                                                                               -Jules Renald

                 Are you always striving for hard work, getting things done for a short time but sometimes an element gets on the way? Element such as “laziness” which means you feel like sleeping or resting even though you’re not really tired at all.

                 We are all guilty of being lazy. It could result to not meeting deadlines of your projects, getting late in school, cramming on exams or being scolded by your parents or elders.

                 I myself always experience that. Tardiness becomes a habit, yet I’m still struggling to cope it up. It’s really hard to deal with laziness, then after that I’ll realize that I’ve wasted my time,

Laziness is natural to a human being as he/she is easily bored in his environment especially to routines repeated again and again. I always put in mind not to waste my time so that I can overcome this attitude. I’m avoiding in-the-rush  activities so I practice discipline and responsibility towards any kind of work. I always try to exert extra effort to finish every task assigned to me when I’m under the influence of laziness. Yes it’s really difficult to fight this attitude when it already runs to our system, ningas-kugon, bahala na and maniana habit come together in a person that lead to getting things undone and postponed.

There’s nothing wrong with relaxing and resting , especially when you have already accomplished your chores. A lively music or a stretching exercise would help you mobilize your body’s energy in making things work according to plan.

Certainly, dealing with this attitude is not easy, but as the saying goes: “Practice makes perfect”.

Another useful thing is to make a list of the things that you want to accomplish, things that excite you. Find ways to simplify or make your tasks easier.

Don’t always let laziness overpower you. Motivate yourself to complete the things that you have to do. Beware that it could be a sign of mental illness or medical condition, but don't overwork yourself. Balance your activities and resting time.




COLUMN



             “Kayo ang boss ko…”
             Isa lamang ito sa mga linyang binitiwan ng ating bagong pangulo, Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanyang inagurasyon noong nakaraang Hunyo sa kasalukuyang taon.
             Sa pagpasok ng administrasyon, umaasa ang karamihan na ito na ang bagong simula ng pagbabago sa bulok na sistemang kinagisnan natin.
             Halintulad sa mga kaganapan ngayon sa ating pamantasan, tuwing panahon ng eleksyon; kampanya doon, pangako dito. Bawat kandidato ay sumisigaw ng pagbabago. Sa loob ng napakabang panahon ay iyon at iyon rin ang inihahain nila, kaya’t hindi nkakapagtakang maraming binging bingi na.

Habang buhay na lamang bang nakatanim sa kasaysayan ang impresyon sa ’ting Pilipino ukol sa tunay na kulay ng ating pulitika? Bakit hindi hindi natin umpisahan sa ating uniersidad na baguhin ang nakasanayang impresyon nang sa gano’n ay mapatunayan ng sambayanan na tapat kayo sa “boss” n’yo.
Sa mga namumuno at mamumuno pa lang, tumayo kayo sa sitwasyon ng isang simpleng mag aaral. Alamin ang kanilang tunay na pangangailangan at gawan ito ng tunay na aksyon. Itigil na ang pataasan ng ihi at tuluyan nang putulin ang pangil ng mga buwaya.
Lahat tayo ay may magagawa. Marami ang binigyan ng boses ng may kapal upang maipahayag ang kanilang damdamin, opinion, kuro-kuro saloobin at maging ang katiwalian sa bayan. Ngunit hindi tayo binigyan ng paa para tumakbo at magtago sa mga hilahil at sigalot ng mamamayan. Umaasa kaming mga “boss” n’yo na magiging mabuti at produktibo kayong mga empleyado
SULONG JUAN DELA CRUZ! AHON PILIPINAS!



Pagbabago o Pananatili?



Matapos ang eleksyon sa ating unibersidad, isa sa mga katanungan nating mga estudyante ay kung may magbabago pa nga ba, gayong kada taon ay sigaw ng pagbabago ang inilalatag sa atin ng mga kandidato.

                 Sa kabila nito marami pa rin ang umaasa na matutupad ang ipinangako sa kanila ng mga nagnanais mahalal sa posisyon. Dahil rito minabuti kong hingin ang panig ng nakakararami sa aking kamag aral sa  ating kolehiyo.

Gamit ang katanungang “sa palagay mo may pagbabago pa bang  magaganap sa pag upo ng bagong administrasyon?”at sa tulong ng teknoloohiya, ang pag tetext nakuha ko ang kanilang opinion.

“ Sa tingin ko wala na, dahil yung mga platapormang inilalatag nila sa amin na mahahalaga ay hindi naman nagagawa. Kung gusto talaga nilang may mabago, gawin na lang nila hindi yung hihintayin pa nilang manalo sil sa eeleksyon para umaksyon”
             -Shie, IV-B

“ For me, yes! May mga mababago dahil bago ang mga mamumuno, ang advise ko lang, magsilbi sila ng may katapatan, dedikasyon at pagmamahal hindi dahil sa achievement na kanilang makukuha kundi sa kasayahang matatanggap nila sa pag seserbisyo.”
   -Glayza Alao, II-C2

“Nagkakaroon ng eleksyon para sa pag babago, magkakaroon kung tapat at mapagkakatiwalaan, hindi yung hanggang sa kampanya lang.”
      -Louise  Pagalunan, I-E1
 “maybe kung deserving sa posisyon yung mga ma eelect, kaya nga students must take time to think who to vote. I hope those who will be elected will do their best to make a change for our university.”
                                  -Joy Medrano, IV-A

“Oo, naniniwala ako, yun ay kung gagampanan nila at paninindigan ng mga mahahalal ang kanilang mga ipinangako.
                                  -Aphrilhyn  Rico, I-D

 “Ayokong magsalita ng tapos pero sana talaga may mabago, kasi we need a leader na hindi lang sila gagawa sa ikagaganda ng school kundi magagaing isang halimbawa sa lahat. Sana ay hindi lang pakitang tao yung ginagawa nila para ioto sila”
        -Annalicca Lompero, I-C2

“yes naman! May pagbabagong magaganap kung pipiliin naten ang mapagkakatiwalan, may sapat na kakayahan, talino at may experience na sa pamumuno, higit sa lahat may takot sa Diyos.”
-anonymous

“Oo naman, naniniwala ako sa sinansabi ng mga kandidato, kasi mga estudyante sila at dapat mulat sila sa mga nangyayare sa ating paaralan at dapat baguhin nila yun.
                     -Mary jane Puaso, I-C2

“Oo, dahil ang bawat isang kandidato ay may binitiwang salita na pinanghahawakan ng mga estudyante at naniniwala ako sa kanila dahil gusto nila ng pagbabago.”
     -Joemar L. Balakit, I-E1

“Meron, kasi nga Di ba bago na, so ibig sabihin nun magagawa nila ng maayos ang kanilang plataporma,pero kailangan din makiisa ang mga estudyante.”
     -Mariel S. Galarita, II-A

Lahat tayo ay may sai-sariling opinion at pinaniniwalaan, ngunit ang bawat opinion, ideya o ang ating hinaing sa mga namumuno ay may kaakibat na responsibilidad.
Hanggang saan nga ba ang ating responsibilidad sa ating unibersidad, sa paglalabas lamang ba ng ating mga saloobin?


-Maleen & Apple

Hanay ng patnugot, Inihalal by: Nizza Teooro



  Ika 2 ng Hunyo 2010, ganap na ika  1:00 ng hapon ang pagpupulong ng opisyal na pahayagan ng College of Science, The Essence ay naganap sa rm.314 University of Rizal System, Morong Rizal.
             Ang nasabing pulong ay pinagunahan ng Punong Patnugot na si Rhona Mae A. Mechilina.
              Ito ay nagsimula sa isang oryentasyon upang maunawaaan  ng mga bagong miyembro ang mga tungkulin, responsibildad at pribelihyo nila bilang kasapi ng publikasyon.
Nasundan ito ng Editorial Exam na nagging basehan ng nominasyon sa pagiging patnugot.
Ang bagong hanay ng mga patnugot ay kinabibilangan nina Ginalyn Baniqued, Associate Editor. Martin Bonitillo, Managing Editor, Raphael Villanueva, News Editor, Agnes 
Valderoso, Feature Editor, Nizza Theodoro, Literary Editor, Leandro Alagano, Filipino Editor at Leziel Villarba, Sports’ Editor.
Nakuha rin ng mga sumusunod  bilang mga Field Reporters Maleen Santa Tose, Catherine Cerda, Rodelyn Montalbo,Keinberly Lagumbay at Irene Nicolas.
Kabilang naman sa mga Cartoonist sina Leonard Cabaliw, Joy Reginaldo at John Nicole Sicozana.
Sina Julie ann Quilang at Kenneth Abonita naman ay ang Lay-out Artist at Graphics Designer.
“for me, being part of The Essence is not just an honor, nor a privilege. For me it’s a fulfillment. Sana mahalin n’yo rin ito the way I do.” wika ng Punong Patnugot sa pagtatapos ng pulong, pasado ika lima ng hapon.


COS Stude, Championed YLAR Quizpelling Bee by: Rhona Mechilina



 Four College of Science students won in the Quizpelling Bee conducted by the Young Leaders Alliance of Rizal (YLAR) last June 8, 2010 at the College library, URSM.
                
                 Questions were picked from the topics, leadership theories, pillars of leadership and world leaders. It was also  divided into three category; easy, average and At the end of the competition Honeyfern Caldit,III-C1 was announced as the champion.
                 Ivy Tambongco, III-C1 meanwhile was the 2nd placer and
 Raymond Ledesma, (COE for the third place.
                 While Melrose Arambulo, III-C1 and Anna Pauline Ceñidoza, IV-D got the 4th and 5th place. The  winners from first to third place received cash prizes and certificates.
Participants include students from different colleges of URSM.


Know Your Club, Who’s Who? 2010-2011 COS Club Officers